Quarantine (Tagalog)
- Long Distance Runner
- May 25, 2020
- 1 min read
Nangingibabaw ang katahimikan
Ang tanging naririnig ay awit ng mga ibon
Na ‘tila paikot ikot at walang pupuntahan
Nanginibabaw ang sinag ng araw
Kitang-kita ang kaunting taong naglaklakad
Pati ang malayong siyudad ngayon ay tanaw
Kay gandang pagmasdan ang pagtigil ng mundo
Kahit may dalang pait, sakit at luha
Ang pag-asa at pagbangon, ito parin ay nasa kamay mo
Nangingibabaw ang tinig ng hangin
Busina ng iilang sasakyan sa kalsada
At tinig ng ilang taong ‘tila’y di napapasin
Nangingibabaw ang sigaw ng mga taong nahihirapan
Bawat isa ay may iba’t ibang ninanais
Huwag manghusga, lahat ay may pinagdadaanan
Sa paglubog ng araw, wala naman tayong magagawa
Problema ay narito at hindi mawawala
Mahirap magbigay ng payo sa panahong ito
Tandaa, Lahat ng tao kayang kaya sumayaw sa tugtog ng mundo
Comentários